Hi, I’m Michael Joseph Uy, born on this planet in a spiral galaxy 17 years ago. A man with a wide dream, a man with a vision of his life, ako yung tipong inggetero at seloso pagdating sa pag-angat ng iba IN A GOOD WAY, di ako yung tipong naninira para sumikat, ako yung tipong tinatapatan ang ginagawa ng iba para sumikat,.
Isa akong rapper,  I discover it last 5 years in jejemon days, oo mga batang jeje lang kami nun, yung golf cap pa mga soot namin at dahil medjo active ako sa academics and school activities, lahat ng quiz, contest and pageants sinalihan ko which made me Salutatorian, oo nga pala, valedictorian din ako nung kinder, di halata sa mukha ko pero may talino din naman ako. Lagi din akong top honor nung 1st year up to 3rd year pero nag-iba nung 4th year dahil nabaliw ako sa internet at nagging addict ako masyado sa dota, dun ako nagsimula sa pagbloblog matapos kong pagsisihan ang lahat. Oo nga pala, I have 3 songs na sumikat na sa whole Mindanao, you can search “Mikoii Uy” on youtube.
I’m a gangster, oo, I’m from black locco family and True Brown Style, pero di ako yung nambubogbog, sumali ako for protection, for brotherhood and for a good community, we’re a gang of good citizenship kasi, nagpapafundraising, nagpaparap battle event, at nakikipagpeace sa ibang gang kaya respetado kami sa city naming.
I’m a composer, binabayaran ako para magcompose ng rap lyrics, magcompose ng jingle at gumawa ng tula, mahilig kasi ako nun pero nagkakaroon lang ako ng inspirasyon magsulat pag nagbabasa ako ng gawa ng iba, mas nachachallenge kasi ako nun at tumataba ang utak ko. Isa din yun sa mga dahilan kung bakit naging rapper ako.
I’m a writer, nagsusulat ako ng stories  , gumagawa ng blogs gaya ng ginagawa ko ngayon.  May mga naipublish na akong stories sa wattpad at may mga magandang feedback naman (www.wattpad.com/patamanimikoii) mataba ang utak ko kung binabasa ko talaga ang ginagawa ng iba, mas nagkakaroon ako ng ideya pero ni minsan di ako nanggaya ng stilo o kaya nagnakaw ng mga nakasulat sa gawa ng iba , nagsisilbi lang itong challenge para sa akin upang magpursigido magsulat.
Pinangarap ko nadin ang maging artista, kaya nagmomodelling ako at sumasali sa acting workshop, halos lahat ng mga nagpapasikat sa isang tao ay ginawa ko na, gumawa ng video cover, gumawa ng facebook pages at nakikipag-interact sa mga followers, madami nang nagrecruit sa akin sa iba’t ibang boys group at doon nagsimula ang pagdagsa ng mga facebook friends ko nung nasali ako sa facebook boyfriends, isang boys group na sa facebook lang at ang main target is the girls.


Ginawa ko ang blog na ito upang pagtibayin ang interaksyon ko sa mga mambabasa at mga tagasubaybay sa ginagawa ko, para mas makapag-usap tayo at makabuo ng new strand of friendship, you can freely ask an opinion or send a quote, just email me at : PatamaNiMikoii@gmail.com . Happy reading !

0 comments:

Post a Comment

 
Patama Ni Mikoii © 2013. All Rights Reserved. Powered by Blogger
Top
Don't You Think this Awesome Post should be shared ??
| About the author |